Mahilig ka ba sa Porsche at motorsports? May chance ka na ngayong manalo ng Porsche 911 Turbo S 000 Commission — isang one-of-a-kind na modelo na hango sa sikat na #000 race car na gumawa ng kasaysayan sa 100th Pikes Peak International Hill Climb. Ang espesyal na edisyong ito ay ginawa sa tulong ng 000 Magazine at Porsche Sonderwunsch. Pinagsasama nito ang race-winning performance at street-legal refinement para sa ultimate driving experience.
Mayroon itong 3.7L twin-turbo flat-six engine na may 640 hp at 590 lb-ft torque, kaya nitong humarurot mula 0-60 mph sa 2.6 seconds at maabot ang pinakamataas na bilis na 205 mph. Para sa matinding grip at kontrol, gamit nito ang all-wheel-drive system at eight-speed dual-clutch transmission.
Ang disenyo ng sasakyan ay hango sa sikat na #000 Pikes Peak car, kaya makikita rito ang White finish na may Carmine Red na side mirrors, pati na rin ang 000 logo sa radiator grille at rear wing. Mayroon ding Pikes Peak 100 graphic sa mga pinto na nagbibigay ng espesyal na pagkakakilanlan dito.
Sa loob, makikita ang kumbinasyon ng Black full-leather at Bordeaux Red stitching na nagbibigay ng premium na itsura. Mayroon ding illuminated carbon-fiber door sills na may 000 logo, habang ang dashboard ay may proof strip detail. Sa center console lid naman ay naka-emboss ang mapa ng Pikes Peak course na may nakalagay na record time na 9:53.
Bukod dito, may kasama itong full bucket “918” seats na may carbon backs, rear seat delete para sa mas magaan na bigat, at lightweight glass para sa mas mabilis na performance. Mayroon ding fire extinguisher, personalized key, at 20”/21” Exclusive Design wheels na may high-gloss Black inlays. Para sa matinding pagpreno, gamit nito ang Porsche Ceramic Composite Brakes (PCCB) na may black calipers.
Para sa dagdag na kasiyahan, may kasama rin itong dalawang Barton Perreira x 000 HAMILTON sunglasses na may custom case at dalawang eksklusibong BP x 000 cleaning cloths.
Bukod sa pag-asa mong manalo ng $286,000 USD Porsche, makakatulong ka rin sa iba. Magbibigay ang 000 Magazine ng 5% ng lahat ng kita sa 43 Institute, isang non-profit na sumusuporta sa mga nangangarap na maging bahagi ng action sports, motorsports, at creative arts.
Sumali na ngayon sa official site ng 000 Magazine para sa iyong chance na manalo!