At least 33 tao ang namatay at marami pa ang nasaktan matapos manalasa ang buhawi at malalakas na bagyo sa central US. Ayon sa mga eksperto sa panahon, mas matinding bagyo pa ang inaasahan ngayong Linggo.
Ipinakita sa lokal na balita ang mga bahay na nawalan ng bubong at mga trak na natumba dahil sa bagyo.
- Sa Kansas, 8 tao ang namatay sa isang aksidente na may kinalaman sa dust storm, na naging dahilan ng mababang visibility.
- Sa Missouri, kumpirmado ng State Highway Patrol na may 12 patay dulot ng bagyo. Ipinakita rin nila ang mga bangkang nagtambakan sa isang marina na nasira ng malakas na hangin.
- Sa Mississippi, sinabi ng gobernador na may 6 patay at 3 nawawala.
- Sa Texas, 4 katao ang namatay sa mga aksidenteng dulot ng dust storm at sunog na bumalot sa mga kalsada.
- Sa Arkansas, kumpirmadong may 3 patay at 29 sugatan.
Nagdeklara ng state of emergency si Governor Sarah Huckabee Sanders at sinabi niyang nakausap niya si President Donald Trump na nangakong tutulong sa mga nasalanta.
Ayon sa National Weather Service (NWS), may paparating pang matitinding bagyo sa mga lugar tulad ng Mississippi at Tennessee.
Mahigit 250,000 bahay at negosyo ang nawalan ng kuryente dahil sa bagyo.
Ang mga buhawi ay mga umiikot na hangin na bumababa sa lupa mula sa malalaking ulap. Karaniwan itong tumatama sa mga estado tulad ng Texas, Oklahoma, at Kansas, na kilala bilang "Tornado Alley."
Noong 2024, umabot sa 54 tao ang namatay dahil sa mga insidente ng buhawi sa Amerika ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration.