Kapuso actor David Licauco inamin na ang pinakamataas na kinita niya sa isang taon ay nasa P50 million mula sa kanyang career sa showbiz at mga negosyo.
Sa TikTok vlog ng Iskul of Dizcarte, tinanong si David kung magkano ang pinakamalaking kita niya sa isang taon.
Pinahulaan muna ni David sa host ang sagot. Una ay P10 million, pero sabi ni David, "Higher siguro."
Sumunod na hula ay P30 million, pero sagot ni David, "Higher again."
Nang sabihin ng host na P50 million, sagot ni David, "Somewhere there."
Sinabi rin ni David sa interview na lahat ng kita niya sa showbiz ay ini-invest niya sa negosyo.
"Medyo reckless ako pagdating sa investing. Pero ngayon, nasa stage ako ng buhay ko na nagti-take ako ng calculated risks," ani David.
Si David ay may-ari ng iba't ibang branches ng Sobra Cafe at Kuya Korea.