Isang nightclub sa North Macedonia ang nasunog nitong Linggo ng madaling araw, kung saan may humigit-kumulang 1,500 tao sa loob. Ayon sa mga opisyal, may 59 na patay at mahigit 100 sugatan.

Ayon sa ulat ng Reuters, nagsimula ang sunog sa kisame at bubong ng club, na mabilis na kumalat.
Ayon kay Interior Minister Toshkovski, nangyari ang sunog bandang 2:35 AM habang may live band performance sa loob. Gumamit sila ng fireworks na aksidenteng nagdulot ng apoy sa kisame.
Nag-post si Prime Minister Hristijan Mickoski sa social media na ito ay isang malungkot na araw para sa kanilang bansa, lalo na sa mga naulila ng mga biktima.
Una nang inihayag ni Toshkovski na may isang taong naaresto, ngunit hindi binanggit kung sino ito o bakit siya hinuli. Kalaunan, inanunsyo ng mga awtoridad na may apat na arrest warrants na inilabas at itinaas ang bilang ng mga nasawi mula 51 patungo sa 59.
Patuloy pa rin ang search and rescue operation, habang maraming pamilya ang nagtipon sa labas ng mga ospital, umaasang makakakuha ng impormasyon tungkol sa kanilang mga nawawalang mahal sa buhay.