Inihahanda na ng Nike ang paglabas ng kanilang sikat na modelo na Zoom Vomero 5 sa bagong kulay na “Pink Foam”.
Ang eksklusibong design na ito para sa kababaihan ay may matingkad na bubblegum pink mesh base na may kasamang cream white leather overlays. Mapapansin din ang TPU caging sa likod at gilid ng sapatos, na nasa ilalim ng black panel swoosh.
May karagdagang branding sa tongue tag, Bill Bowerman-stamped insoles, at mini heel check. Ang sapatos ay may tinted midsole, pink at black outsoles, at tinatali ng pink laces para sa maayos na kabuuang itsura.
Ang Nike Zoom Vomero 5 ay ilalabas sa Abril 1 sa halagang $160 USD at mabibili sa Nike.com.