HONOR Philippines ay naglunsad ng bagong midrange phone na mas nakatutok sa style kaysa sa tibay.
Ang bagong X8c ay may flat screen na kahawig ng design ng iPhone, sa halip na ang curved display ng ibang HONOR models.
Ayon sa HONOR, ang X8c ay kasing matibay rin ng kanilang X9c series na inilabas noong unang bahagi ng taon. Ito ay may IP64 rating na proteksyon laban sa tubig at alikabok, pati na rin sa pagkakahulog.
May dalawang camera sa likod ang X8c: isang 108MP main camera at 5MP ultrawide camera. Mayroon din itong Optical Image Stabilization (OIS) para sa mas malinaw na night shots at iba’t ibang focal options para sa unique na portrait styles. Kaya rin nitong mag-record ng 1080p video na may hanggang 8x digital zoom.
Sa harap naman, may 50MP front camera ito para sa malinaw na selfies. Kasama rin dito ang mga features na AI wide-angle selfies at AI Eraser para sa pag-edit ng larawan.
Ayon kay Stephen Cheng, Vice President for Marketing ng HONOR Philippines, “Dahil sa powerful na camera system, smart features, at matibay na build, excited kaming dalhin ang phone na ito para sa mga Pilipinong mahilig kumonekta, lumikha, at ibahagi ang mga mahahalagang sandali.”
Ilan pang mahahalagang specs ng X8c ay ang 5000mAh battery na may 35W charging, at isang 6.7-inch AMOLED display na may 120Hz refresh rate, FHD+ (2412 x 1080) resolution, at 2800 nits na brightness.
Gumagamit ito ng Snapdragon 685 processor at may iba't ibang memory at storage options mula 6GB+128GB hanggang 8GB+512GB.
May tatlong kulay itong pagpipilian: Midnight Black, Moonlight White, at isang kakaibang kulay na tinawag na Marrs Green.
Nagsisimula ang presyo nito sa P13,999 na may kasamang freebies, ayon sa HONOR.