Netflix nag-release na ng official trailer para sa Season 7 ng Black Mirror.
Sa teaser, makikita ulit ang USS Callister na muling maglalakbay, na magbibigay ng unang silip sa kung anong aasahan sa bagong season ng sci-fi series na gawa ni Charlie Brooker. Sa pagkakataong ito, babalik ang ilang dating characters sa Black Mirror, kasama na sina Cristin Milioti at iba pang importanteng cast mula sa Season 4, Episode 1 na “USS Callister.”
Makikita na ipinagpapatuloy nila ang kanilang virtual adventure habang si Milioti ay muling gaganap bilang Nanette Cole, isang mahiyain na computer programmer na na-trap sa isang video game kasama ang kanyang boss na si Robert Daly (ginagampanan ni Jesse Plemons) kahit ayaw niya. Babalik din sina Billy Magnussen bilang Karl, Milanka Brooks bilang Elena, at Osy Ikhile bilang Nate.
Bukod sa mga bumabalik na characters, may mga bagong cast members rin tulad nina Michele Austin, Ben Bailey Smith, Asim Chaudhry, Josh Finan, James Nelson-Joyce, Will Poulter, Jay Simpson, at Michael Workéyè.
Kasama rin sa Season 7 sina Awkwafina, Peter Capaldi, Emma Corrin, Patsy Ferran, Paul Giamatti, Lewis Gribben, Osy Ikhile, Rashida Jones, Siena Kelly, Rosy McEwen, Chris O'Dowd, Issa Rae, Paul G. Raymond, Tracee Ellis Ross, at Harriet Walter na magpapakita sa iba't ibang episodes.
Ang Black Mirror ay nakakuha na ng 14 Emmy nominations at 8 wins. Ang Season 7 ay mapapanood na sa April 10.