Nag-sorry at nag-refund ang sikat na Chinese restaurant chain na Haidilao matapos mag-viral ang video ng isang customer na umiihi sa hotpot sa kanilang Shanghai branch. Ang insidente, na nangyari noong Pebrero 24, ay nagdulot ng galit sa publiko dahil sa paglabag sa food safety.

Ayon sa Haidilao, dalawang 17 taong gulang na lalaki ang sangkot sa insidente at parehong isinailalim sa "administrative detention." Dahil walang sapat na training ang staff para sa ganitong sitwasyon, hindi agad nila napansin ang pangyayari.
Bilang aksyon, nag-alok ang Haidilao ng full refund plus 10x compensation sa mahigit 4,100 customers na nag-order mula Pebrero 24 hanggang Marso 8. Gayunpaman, pinuna ng netizens ang mabagal na tugon ng kumpanya sa insidente.