South Korean actor Kim Soo Hyun’s talent agency, Gold Medalist, ay kinumpirma na naging mag-on sila ng yumaong South Korean actress na si Kim Sae Ron.
Sa isang statement na inilabas noong Biyernes, sinabi ng agency na nag-date nga sina Soo Hyun at Sae Ron pero nilinaw na ito ay nangyari matapos maging legal adult si Sae Ron, hindi noong menor de edad pa siya.
Itinanggi rin ng management ang mga akusasyon na pinilit umano ng agency ni Soo Hyun si Kim Sae Ron na magbayad ng 700 million won (mga ₱27 milyon) at nagpakita pa ng ebidensya para suportahan ito.
Pumanaw si Sae Ron noong Pebrero 16, 2025.
Ang buong pahayag ay ganito:

“Si Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron ay nagkaroon ng relasyon mula summer ng 2019, matapos maging legal adult si Kim Sae Ron, hanggang fall ng 2020. Hindi totoo na si Kim Soo Hyun ay nag-date kay Kim Sae Ron noong siya ay menor de edad pa.
“Ang mga litrato na pinost ni Kim Sae Ron sa kanyang Instagram Stories noong Marso 24, 2024, at ang mga ipinakita sa broadcast ng HoverLab noong Marso 11, 2025, ay mga pribadong sandali ng dalawa noong winter ng 2020.
“Ang suot ni Kim Sae Ron sa mga larawan ay inilabas ng isang brand noong Hunyo 2019, kaya imposibleng tama ang claim ng HoverLab na ang mga larawan ay kuha noong 2016, noong menor de edad pa si Kim Sae Ron.
“Ang lubos na pribadong buhay ng dalawa ay sapilitang ibinunyag ng iba, na nagdulot ng matinding sakit hindi lang kay Kim Soo Hyun kundi pati sa mga taong malapit sa kanila. Matapos mailabas ang kanilang pribadong buhay sa pamamagitan ng HoverLab, hindi maiiwasan ang iba’t ibang opinyon ng publiko sa mga desisyon ni Kim Soo Hyun.
“Gayunpaman, ang mga araw ng dalawang adults na nag-date at naghiwalay ay na-twist ng iba, na naging sanhi ng pagkalat ng maraming kasinungalingan hanggang ngayon. Napakasakit para sa isang tao na tiisin ito dahil lamang sa kanyang pribadong buhay. Bukod dito, ito ay tila panghihimasok sa pribadong buhay ng yumao at nakakasira sa kanyang pangalan.”