Ang "Ne Zha 2" ay nagtataglay ng nakakamanghang visuals, puno ng aksiyon, at kwentong may aral, dahilan kung bakit ito ang pinakamalaking kita sa lahat ng animated films. Limang taon matapos ang unang pelikula, ipinakita sa sequel kung paano muling binuo ni Master Taiyi sina Ne Zha at Ao Bing gamit ang Sacred Lotus.
Bagamat may bahaging medyo mahaba, puno pa rin ito ng emosyonal na eksena, katatawanan, at aral tungkol sa pagtanggap sa sarili at importansya ng pamilya. Ang pelikula ay nagtapos sa tila paghahanda para sa panibagong kwento, na magpapasaya sa mga fans ngunit maaaring mabitin ang ilan na umaasang tapos na ang kwento.
Ang "Ne Zha 2" ay ipapalabas sa mga Philippine cinemas sa March 12.