
Ang Mattel ay naglunsad ng bagong Manananggal doll na maaaring mahati sa dalawa, gaya ng sikat na nilalang sa kwentong bayan ng Pilipinas.
Tinawag itong Corazon Marikit, na ayon sa website ng Mattel ay nagpapakita ng Filipino fashion at tradisyon. Ang manika ay kayang paghiwalayin ang itaas at ibabang bahagi ng katawan nito, na ginagaya ang kakayahan ng isang manananggal na lumipad sa gabi.
Ang Corazon Marikit ay nakasuot ng foil print at fringe, na may magarang burdang pakpak ng paniki. Ayon sa Mattel, tila naglalakad ito sa isang entablado na puno ng jasmine habang iniwan ang kanyang mga pangil na tila uhaw pa sa dugo.
Ang manika ay may halagang $75 (Php4,304) at may kakaibang two-part packaging design. Sa pamamagitan ng mga lever, maaaring i-display ang manika sa iba't ibang nakakatakot na pose. Ang stand nito ay nagbibigay-daan upang igalaw ang itaas na katawan pataas at pababa, habang ang ibaba naman ay maaaring umikot at umindayog.

Noong 2024, naglabas din ang Mattel ng isang Filipina Barbie na may terno sleeves, malong-inspired na palda, at bakya na may takong na hugis bahay kubo. Pinaganda rin ito ng koronang may araw ng Pilipinas, mga eleganteng gintong alahas, at detalyadong batok tattoos sa mga braso. Ito ay idinisenyo ni Carlyle Nuera, isang Filipino-American designer na nagtatrabaho sa Barbie Signature.