
Nais ng Slovenia na kumuha ng mas maraming manggagawang Pilipino matapos pumirma ng kasunduan sa Department of Migrant Workers tungkol sa labor mobility.
Ayon kay Slovenian Foreign Minister Tanja Fajon, kinikilala sa buong mundo ang mga Pilipino dahil sa kanilang sipag, dedikasyon, at katapatan sa trabaho.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs, mayroong humigit-kumulang 413 Pilipino sa Slovenia, karamihan ay nagtatrabaho bilang clerical support workers, service and sales workers, at technicians.
Bukod sa usaping paggawa, tinalakay din nina Fajon at Foreign Secretary Enrique Manalo ang iba pang larangan ng pakikipagtulungan tulad ng science and technology, nuclear energy, at maritime education.
Ang pagbisitang ito ay itinuturing na isang milestone sa loob ng 31 taong ugnayan ng Pilipinas at Slovenia.