Isang lalaki na umano’y nasa ilalim ng impluwensya ng droga ang responsable sa karumal-dumal na insidente sa Angeles City, Pampanga kung saan isang indibidwal ang nasawi at isa naman ang nagtamo ng maraming saksak.
Pagmulat ng kanyang mata, tumambad sa kanya ang isang lalaki na may hawak na kitchen knife, na agad siyang inundayan ng saksak. Sa kabila ng kanyang pagsisikap na lumaban at gamitin ang unan bilang panangga, nagtamo pa rin siya ng 11 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa kabila ng matinding sugat, nagawa niyang masaksak ang suspek na naging dahilan upang tumakbo ito palabas ng bahay. Matapos nito, pilit niyang hinanap ang kanyang kapatid upang dalhin sa ospital, subalit nang dumating siya ay natuklasan niyang wala na itong buhay.
"Ang pinakamasakit sa lahat, ako mismo ang pumirma sa death certificate ng kapatid ko," emosyonal na pagbabahagi ng biktima.
Lalong ikinadismaya ng mga kaanak ang balita na nakapagpiyansa umano ang suspek sa halagang P3,000, matapos lumabas sa imbestigasyon na "slight physical injury" lamang ang isinampang kaso.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nililitis ang kaso habang patuloy na nananawagan ang mga biktima para sa hustisya.
Ang insidenteng ito ay isang babala sa publiko na mag-ingat at maging mapagmatyag sa kanilang paligid.