Ang bagong iPad Air with M3 ay halos doble ang bilis kumpara sa M1 model at 3.5x mas mabilis kaysa sa iPad Air na may A14 Bionic. Mayroon itong mas makapangyarihang eight-core CPU na 35% mas mabilis para sa multi-threaded CPU tasks at nine-core GPU na 40% mas mabilis sa graphic performance kumpara sa M1 chip.a
- "Clean Up" sa Photos para madaling alisin ang mga hindi kanais-nais na elemento sa mga larawan
- "Image Wand" sa Notes app para gawing mas detalyado ang mga sketches
- Ang kakayahang mag-type kay Siri na may ChatGPT functionality
Mayroon ding bagong Magic Keyboard para sa iPad Air na may mas malaking built-in trackpad, USB-C connector para sa charging, at magnetic connectivity system. Ang accessory na ito ay may Smart Connector na awtomatikong nagkokonekta ng power at data nang hindi na kailangan ng Bluetooth.
Ayon kay Bob Borchers, vice president ng Apple, ang iPad Air ay popular dahil sa pinagsamang performance, portability, at advanced accessories sa abot-kayang halaga.
Ang bagong iPad Air ay magsisimula sa halagang $599 USD para sa 11-inch model at $799 USD para sa 13-inch model. Pwede nang mag-pre-order ng iPad Air at Magic Keyboard, at magiging available ito simula Miyerkules, Marso 12.a