Isang 2022 Koenigsegg Regera na may mas mababa sa 20 milya sa odometer ang ibinebenta ngayon sa RM Sotheby’s sa halagang $2,395,000 USD. Ang hypercar na ito ay nasa halos bagong kondisyon pa at hindi pa nairerehistro, kaya't isa itong bihirang pagkakataon para sa mga kolektor.
Isa lamang ito sa humigit-kumulang 85 units na ginawa. Orihinal na dinala sa UK sa pamamagitan ng SuperVettura noong Mayo 2022 bago ipinadala sa kasalukuyang may-ari nito sa Hong Kong.
May kakaibang Arctic White na kulay ito na may carbon fiber racing stripes sa gitna at sa magkabilang gilid. Naka-customize din ito ng Tresex AirCore Carbon wheels na may kasamang white brake calipers para sa sleek na performance look.
Ang Regera ay may hybrid powertrain gamit ang “Direct Drive” system ng Koenigsegg, na pinapalitan ang tradisyunal na gearbox ng isang single-state drive mechanism. Pinagsasama nito ang twin-turbocharged 5L V8 engine at tatlong electric motors na may kabuuang 1,479 hp.
Inilabas sa concept form noong 2015 Geneva Motor Show, ang Regera ay mabilis na naging isa sa mga pinaka-inaasam na modelo ng Koenigsegg, at sold-out na ito noong 2017.
Ang bihirang pagkakataong ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng inquiry sa opisyal na website ng RM Sotheby’s.