May ilang MC Taxi Riders na naglalagay ng canopy o bubong sa kanilang motor para daw makaiwas sa init o ulan.
Pero delikado ito! Hindi designed ang mga motor na lagyan ng canopy dahil maaari itong maging sanhi ng aksidente lalo na kung madalas kang dumadaan sa mga hi-way kung saan mabilis ang mga sasakyan.
Kapag nahagip ng mabilis na sasakyan o tinamaan ng malakas na hangin ang motor, may posibilidad na mawala ka sa balanse at magdulot ito ng disgrasya.
Pakiusap, huwag maglagay ng canopy sa inyong motor lalo na kung ginagamit ito para sa MC Taxi. Maaari kayong mareport o masuspinde dahil sa paggamit ng unauthorized at unsafe accessory.