Matapos kumalat ang video, agad itong umani ng negatibong reaksyon mula sa netizens. Marami ang nagpahayag ng kanilang inis dahil sa abalang idinulot ng vlogger sa mga nagmamadaling commuters at manggagawa. May ilan namang nagsabi na hindi dapat ginagawang biro ang ganitong klase ng content, lalo na sa pampublikong kalsada.
Dahil sa insidente, personal na nagpunta ang vlogger sa Consolacion Police Station upang humingi ng tawad. Ayon sa kanya, hindi niya inakala na makakaistorbo ito sa publiko. "Humihingi ako ng paumanhin... hindi talaga maganda ang ginawa ko. Naka-cause ako ng public disturbance sa kalsada," ani niya.
Gayunpaman, desidido na ang mga awtoridad na sampahan siya ng kaso upang magsilbing aral sa iba pang vloggers na gumagawa ng delikadong stunt sa kalsada. Ayon sa pulisya, mahalaga ang pagiging responsable sa paggawa ng content upang maiwasan ang kapahamakan at abala sa publiko.