
Lumabas ang tiyahin ng yumaong aktres na si Kim Sae Ron sa YouTube channel na Garosero Research Institute upang ibunyag ang umano’y naging relasyon ng aktres kay Kim Soo Hyun at ang papel nito sa kanyang trahedya.
Ayon sa tiyahin, nagsimulang mag-date sina Kim Sae Ron (15) at Kim Soo Hyun (27) noong 2015 at tumagal ang kanilang relasyon ng anim na taon. Noong 2019, sumali si Kim Sae Ron sa bagong kompanya ni Kim Soo Hyun, ang GOLD MEDALIST, kung saan tumulong siya sa pagpapalago nito nang walang bayad.
Naghiwalay umano sila noong 2022 matapos ma-involve si Kim Sae Ron sa isang DUI (drunk driving) case. Ayon sa tiyahin, nag-alok ang GOLD MEDALIST na asikasuhin ang kaso at nagbayad ng ₩700 milyon KRW (₱27 milyon) bilang danyos. Ngunit noong 2024, pinabayaran ito kay Kim Sae Ron, na hindi na-contact si Kim Soo Hyun para humingi ng tulong.
Nang walang sagot mula sa aktor, nag-post si Kim Sae Ron ng litrato nila sa Instagram, pero sa halip na makatanggap ng tugon, naglabas ang GOLD MEDALIST ng pahayag na tila sinisiraan siya. Dahil sa problema sa pera, labis na nalungkot si Kim Sae Ron at kalaunan ay nagpakamatay mismo sa kaarawan ni Kim Soo Hyun.
Itinanggi ng Kim Soo Hyun at GOLD MEDALIST ang lahat ng akusasyon at inanunsyo na magsasampa sila ng kaso laban sa YouTube channel. Samantala, ang ama ni Kim Sae Ron naman ay sinisi ang YouTuber na Lee Jin Ho sa pagkamatay ng kanyang anak.