Ang White Motorcycle Concepts (WMC) ay muling gumagawa ng ingay sa mundo ng motorsiklo! Noong 2021, ipinakita nila ang WMC250EV land speed record bike, isang motor na may malaking butas sa gitna ng katawan para sa 70% na bawas sa drag kumpara sa ibang road bikes.
Ginamit na rin nila ang teknolohiyang ito sa hybrid na WMC300FR three-wheeler, na base sa Yamaha Tricity at ginagamit na rin ng Northamptonshire Police. Hindi lang ‘yan—nakipag-collab din sila sa Zero, isang American electric motorcycle brand, para gumawa ng isang one-off SR/S concept.

Ayon kay Robert White, Founder ng WMC:
"Ang duct concept ay para sa mas efficient na performance, kahit anong fuel source. Sa collaboration na ito, pinakita namin kung paano ito magiging functional at stylish para sa future motorcycles."
Noong March 6, sa 95th anniversary ng Pininfarina, opisyal na ipinakita ang design sketches ng bagong hybrid motorcycle—isang upright naked roadster na may small forced induction engine at hybrid system.
Sa unique aerodynamic duct system nito, ang hangin ay dumadaloy mula sa ilalim ng handlebars papalabas sa ilalim ng upuan, para bumaba ang drag at tumaas ang fuel efficiency.
Ang Pininfarina, isang sikat na design house na ka-partner ng Ferrari mula pa noong 1951, ay may wind tunnel para sa pag-aaral ng aerodynamics at thermal comfort ng motorsiklo.