Hideo Kojima inanunsyo ang opisyal na trailer ng Death Stranding 2: On the Beach, ang direct sequel ng 2019 game na Death Stranding. Ipinakita ito sa PlayStation panel sa SXSW nitong Linggo. Ang 10-minutong trailer ay nagbigay ng sneak peek sa story, visuals, mga bagong karakter at threats sa laro. Pinaka-importante, kinumpirma rin nito ang official release date.
Sa bagong adventure na ito, patuloy ang tema ng “connections” habang explore ng players ang unknown territories sa isa pang genre-defying game mula kay Kojima. Mapapakinggan din sa trailer ang “To The Wilder” ni Woodkid, isang bagong kanta na magiging theme ng game.
Ang Collector’s Edition ($230 USD) ay may full digital game na may 48-hour early access, collector’s box, 15-inch Magellan Man statue, 3-inch Dollman figurine, art cards, letter mula kay Hideo Kojima at iba’t ibang in-game items.
Ang Digital Deluxe Edition ($80 USD) ay may full game, early access at ilang in-game items, habang ang Digital Standard Edition ($70 USD) ay may full game lang.
Lahat ng pre-orders (simula March 17, 10 a.m. local time) ay may bonus tulad ng Quokka Hologram at silver versions ng Battle Skeleton, Boost Skeleton at Bokka Skeleton.
Death Stranding 2: On the Beach ay exclusively lalabas sa PS5 sa June 26, 2025.