Nissan nagdala ng bagong look sa 2025 Z gamit ang mas maraming kulay, tampok ang pagbabalik ng sikat na Bayside Blue. Dati itong eksklusibo sa GT-R, pero ngayon, mas pinapaganda nito ang retro-modern style ng Z, bilang pagdiriwang sa sports car heritage ng brand.
Nananatili ang signature design ng Z—mahabang hood, matigas na rear, at mga classic details tulad ng katana blade roof accent at Z Bulge hood. Sa loob, may 12.3-inch digital instrument display at 9-inch touchscreen na may navigation at NissanConnect Services na may Wi-Fi hotspot.
May twin-turbocharged V6 engine ito na may 400 hp, na pwedeng ipares sa 6-speed manual o 9-speed automatic transmission. Para sa mas mataas na performance, ang NISMO variant ay may 420 hp, mas malapad na rear wheels, at track-ready tuning.
Kasama rin ang safety features gaya ng Automatic Emergency Braking, Blind Spot Warning, at Intelligent Cruise Control.
Para sa higit pang detalye sa Nissan Z, tingnan ang aming Hypedrive Test Drive, kung saan sinubukan namin ang NISMO variant.