
Naglabas ng bagong logo ang Manila International Airport Authority (MIAA) noong Marso 7, bilang parte ng kanilang 43rd anniversary. Ayon sa MIAA, ang pagbabago ng logo ay sumisimbolo sa kanilang shift mula sa pagiging operator patungo sa pagiging regulator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ipinakita rin nila ang breakdown ng design, na may Philippine eagle, mga kulay at simbolo ng bandila ng Pilipinas, at isang green laurel wreath.
Pero sa halip na purihin, binatikos ito ng netizens.
Sa Facebook post ng MIAA, umani ito ng mahigit 5,600 reactions, karamihan ay "Haha" reactions.
Maraming negatibong komento ang lumabas:
- "Very elementary."
- "Ang basic tapos laki ng binayad."
- "Stock design lang ang ginamit?"

Napansin din ng netizens na katulad ng isang stock image mula sa VectorStock at Shutterstock ang ginamit sa logo—na mabibili lang sa halagang $15 (P860).
Dahil sa dami ng batikos, nilimitahan na ng MIAA ang comments sa kanilang post.
Magkano ang ginastos?
Batay sa Annual Procurement Plan ng MIAA para sa 2025, naglaan sila ng:
- P3 milyon para sa rebranding campaign
- P2 milyon para sa creative design services at social media content
May Nanalo Na Ba Dati?
Nagkaroon pala ng logo-making contest noong 2023!
Si Christian San Jose, isang multimedia artist, ay nanalo sa contest at nag-post ng kanyang saloobin sa Facebook.
- "Sobrang disappointing."
- "Anong sense nung awarding kung hindi rin gagamitin?"
Ibinahagi rin niya ang design rationale ng kanyang logo—isang hugis eroplano na sumisimbolo sa apat na terminals ng NAIA.
Bagong Pamamahala ng NAIA
Noong Setyembre 14, 2024, ang operasyon ng NAIA ay opisyal nang hawak ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), isang grupo sa pangunguna ng San Miguel Corporation.

Plano nilang:
- I-rehabilitate ang NAIA
- Palawakin ang Terminals 2 at 3
- Gawing warehouse at opisina ang Terminal 4
- Magtayo ng Airport Express Hotel malapit sa Terminal 2
Nakipagkasundo sila sa gobyerno para sa isang 15-year contract, na maaaring i-extend ng 10 taon. P200 bilyon ang kanilang gagastusin sa proyekto.
Ano ang Sagot ng MIAA?
Wala pang official statement ang MIAA tungkol sa isyu. PhilSTAR L!fe ay humingi na ng pahayag ngunit wala pang tugon mula sa kanila.