
Opisyal nang nagsimula ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong gabi, Linggo, March 9, 2025!
Historic moment ito! Sa unang pagkakataon, magsasama sa iisang bahay ang Kapamilya at Kapuso stars mula sa ABS-CBN at GMA Network.
Nagsimula ang show exactly 6:15 P.M., live mula sa PBB House, kung saan maninirahan ang celebrity housemates sa loob ng ilang araw.
Grand Opening Performance!
Binuksan ang programa ng Kapuso star Julie Anne San Jose at Kapamilya singer-actor Darren Espanto sa isang powerful performance ng PBB theme song!
Meet the Hosts!
Mananatili ang OG PBB hosts na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Melai Cantiveros. Kasama rin si Alexa Ilacad bilang co-host mula sa ABS-CBN.
Sa panig naman ng GMA, sasamahan sila nina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi bilang co-hosts!
Sino ang Kapuso Housemates?
Unang ipinakilala ang GMA celebrity housemates:
Ashley Ortega
AZ Martinez
Will Ashley
Josh Ford
Charlie Fleming
Dustin Yu
Mika Salamanca
Michael Sager


Kapamilya Housemates, Represent!
Narito naman ang ABS-CBN celebrity housemates:
AC Bonifacio
Esnyr
Brent Manalo
Klarisse De Guzman
River Joseph
Ralph De Guzman
Kira Balinger


Surprise Celebrity Guests!
Exciting! Ivana Alawi ang unang celebrity guest housemate ng season. Pero may twist—may secret mission siya! Kailangan niyang paniwalain ang housemates na official contestant siya.

Mas Maraming Pasabog sa PBB House!
Total of 10 housemates mula sa bawat network ang kasali, pero 15 pa lang ang ipinakilala ngayong gabi. May more celebrity contestants pang paparating sa mga susunod na araw!
Gaya ng dati, haharap ang housemates sa matitinding challenges para subukan ang kanilang lakas ng loob, diskarte, at teamwork sa loob ng bahay.
Tiyak na exciting at puno ng drama ang PBB Celebrity Collab Edition! Abangan kung ano ang mangyayari sa Bahay ni Kuya sa mga susunod na linggo!