Isang pasahero na late sa kanyang flight ang tumakbo sa runway ng airport para pigilan ang eroplano sa paglipad.
Ayon sa Daily Mail, isang 29-anyos na lalaki mula Chile ang tumakbo papunta sa LATAM Airlines jet sa El Tepual International Airport sa Puerto Montt noong Marso 3, Lunes.
Dapat sana'y lilipad siya papuntang Concepción sa isang oras na flight.
Nag-wave siya sa eroplano para makuha ang atensyon ng mga piloto at makasakay pa rin.
Isang airport worker ang sumugod para pigilan siya, pero tuloy pa rin siya sa pag-wave sa eroplano.
Kaugnay na Balita
Flight attendant napilayan habang pinipigilan ang pasaherong gustong buksan ang pinto ng eroplano sa ere.
Kalaunan, dinala siya ng security staff palayo.
Inaresto ang lalaki at haharap sa hukom sa Marso 11, Martes. Hindi pa malinaw kung anong kaso ang kakaharapin niya.
Binatikos ni Puerto Montt Mayor Rodrigo Wainraihgt ang airport security, na tinanong kung paano nakalusot ang lalaki sa tarmac.
"Dapat tingnan natin kung anong mga patakaran ang ipinatutupad sa airport," ani Wainraihgt.
Hindi ito ang unang beses na nasangkot siya sa gulo. Ayon sa BioBioChile, dati na siyang inaresto dahil sa pananakot at pagnanakaw.