
Isang 15-anyos na binatilyo mula Wisconsin, USA, ang kinasuhan ng homicide matapos umano niyang pagsasaksakin ang kanyang ina. Ayon sa mga dokumentong nakuha ng WISN, si Reed Gelinskey ay kinasuhan ng first-degree intentional homicide noong Marso 6 ng Racine County District Attorney’s Office.
Paano Nangyari ang Krimen?
Base sa criminal complaint, nakatanggap ng tawag ang Caledonia police matapos makatanggap ng Snapchat messages ang isang babae mula kay Gelinskey. Humihingi siya ng tulong habang pinagsasaksak umano ang kanyang ina.
Pagdating ng mga pulis sa bahay sa East White Manor Court, Franksville, nakita nilang bitbit ni Gelinskey ang isang brown at silver na kutsilyo. Sumuko ito at sinabing, “She is dead.”
Sa pagsisiyasat, nadiskubreng bago pagsasaksakin, hinampas muna ang biktima ng dumbbell bar. Ayon sa preliminary autopsy, namatay ang ina niya dahil sa maraming sugat sa dibdib na nagdulot ng internal bleeding.
Ano ang Dahilan ng Krimen?
Sinabi ni Gelinskey sa mga pulis na pag-uwi niya galing eskwela, depressed siya at gusto niyang patayin ang kanyang mga magulang. Sinubukan niya umanong humanap ng maso para patayin ang kanyang ama, pero hindi siya nakahanap ng tamang laki.
Ayon sa report, matagal nang umiinom ng anxiety pills ni Gelinskey. Noong gabing iyon, uminom umano siya ng siyam na tableta.
Nang tanungin kung bakit niya ito ginawa, sagot niya: "Pain."
Na-Influence Umano ng Menendez Brothers Documentary
Ayon sa pulisya, ginaya umano ni Gelinskey ang eksena sa Netflix documentary na The Menendez Brothers, lalo na ang “shotgun scene.”
Ang Menendez Brothers, sina Lyle at Erik Menendez, ay nakulong noong 1996 dahil sa pagpatay sa kanilang mga magulang. Ang kwento nila ay naging isa sa pinakasikat na kaso ng krimen noong late 20th century.
Napag-usapan muli ang kaso nila dahil sa bagong serye ni Ryan Murphy, ang Monster: The Lyle and Erik Menendez Story.