Honda nag-announce ng CRF450RX Rally, isang factory-spec Dakar race bike na available lang sa Europe sa pamamagitan ng RedMoto. 50 units lang ito, at price ay by request only. Halos pareho ito sa ginamit ni Tosha Schareina sa 2025 Dakar Rally, kung saan nagtapos siya sa 2nd place. Parehong bike din ang ginamit ni Adrien Van Beveren at Ricky Brabec para makuha ang 3rd at 4th place.
May 57.2 bhp power at 100mph top speed, salamat sa revised six-speed gearbox na may mas mahahabang gear ratios. Upgraded din ang cooling system nito na may oil cooler at enlarged radiator. Ang exhaust system ay may Akrapovic titanium silencer at steel downpipe, na nakaposisyon sa ilalim ng frame cradle para sa mas matibay na performance.
Para sa fuel system, may tatlong tangke ito na may total na 36 liters (14L sa likod at 11L bawat isa sa twin front tanks). Ang rider ay may kakayahang kontrolin kung aling tank ang unang magamit gamit ang bar-mounted switchgear. Sa suspension, may Showa forks (310mm travel) sa harap at Showa shock absorber (315mm travel) sa likod, parehong may titanium coating para sa smoother handling.
Tibay ang puhunan ng bike na ito dahil sa Haan CNC-machined hubs, Takasago Excel rims, at cush drive sa likod para mabawasan ang drivetrain wear. Mas pinatibay din ang braking system nito gamit ang 300mm front at 240mm rear brake discs. May carbon fiber sump guard din ito na may built-in tool compartment para sa dagdag na proteksyon.
Para sa rider comfort at navigation, gamit nito ang Renthal handlebars, Acerbis full-wrap handguards, oversized footpegs, at full LED lighting system. May carbon tower setup din ito na may detachable subframe para sa mas madaling maintenance. Bukod pa rito, gamit din nito ang XTRIG steering damper at high-performance frame components na jointly developed ng XTRIG at Honda.