UNIQLO Philippines nagbukas ng unang roadside store sa Sierra Valley, Taytay, Rizal noong March 7. Ito ay bahagi ng plano ng mga retailers na palawakin ang negosyo sa labas ng Metro Manila.
Matatagpuan ang UNIQLO Sierra Valley sa Sierra Valley Gardens Destination Estate ng Robinsons Land Corporation, na nasa isang mabilis na umuunlad na area sa Taytay. Iba ito sa usual na mall stores dahil may malaking UNIQLO red logo sa harapan.
Ang Taytay ay isa sa pinaka-competitive na bayan sa bansa, may populasyong mahigit 380,000, at malapit sa Cainta, na nasa top spot ng Municipalities Competitive Index.
"Masaya kami na dalhin ang LifeWear sa Rizal sa pamamagitan ng aming bagong store sa Sierra Valley. Layunin namin na gawing mas accessible at convenient ang aming produkto para sa lahat," sabi ni Geraldine Sia, UNIQLO PH Chief Operating Officer.
Dagdag pa niya, nais nilang mas palawakin pa ang presensya ng UNIQLO sa bansa at maging bahagi ng lumalaking Rizal community.
Ang roadside stores ng UNIQLO ay isang one-stop shop na may full line-up ng men’s, women’s, at baby apparel para sa mas elevated LifeWear shopping experience.