Nagpakilala ang Chevrolet ng bagong Silverado EV ZR2 off-road race truck concept sa Mint 400. Sasabak ito sa Open Production EV class, minamaneho ni Chad Hall bilang parte ng Hall Racing team. Ang truck na ito ay dagdag sa lineup ng Chevrolet kasama ang Silverado ZR2 at Colorado ZR2.
Gamit ang matagumpay na ZR2 formula, ang Silverado EV ZR2 ay may lifted suspension, Multimatic damper technology, locking differentials, at underbody skid protection para sa tibay sa off-road. Kahit concept truck pa lang, ginawa ito sa loob ng 5 buwan gamit ang 98% GM production parts.
Naka-install dito ang tri-motor electric system na may 1,100 HP at 11,500 lb-ft torque. May 37-inch BF Goodrich KM3 Mud-Terrain tires ito at gamit ang Multimatic Adaptive Spool Valve dampers para sa mas matinding off-road performance at higit 13 inches wheel travel sa harap at likod.
Ang mga Chevrolet engineers ay makakasama ng Hall Racing team sa Mint 400 para mag-gather ng real-world data na gagamitin sa pag-develop ng future production vehicles, performance parts, at accessories. Ayon kay Scott Bell, vice president ng Chevrolet, ang racing ay ultimate test para sa engineering ng Chevrolet. Dagdag ni Chad Hall, ang kanilang racing experience ay direktang nakakaapekto sa pagbuo ng mas matibay at mataas na performance na sasakyan para sa mga customers.