Ayon sa BDO, maaaring palitan ito ng BDO Pay Card nang libre sa pinakamalapit na BDO branch.
Ang BDO Pay Card ay maaaring gamitin sa BDO Pay app para magbayad sa stores, bills, at magpadala ng pera.
Parehong card ay puwedeng gamitin sa BDO ATMs at sa mga BancNet debit card stores.
Walang minimum deposit o maintaining balance ang BDO Pay Card, at puwedeng i-reload sa BDO cash machines, Pay app, o over the counter.
Para kumuha ng BDO Pay Card, i-download ang BDO Pay app, sundan ang mga steps para mag-apply ng basic account, at kunin ang card sa BDO branch kapag naaprubahan.
Bukod dito, magre-relaunch din ang BDO ng bagong website sa katapusan ng Marso.