May balita mula sa Canada—nagkaroon ng barilan sa isang bar sa Scarborough, Toronto noong Biyernes ng gabi. Ayon sa Toronto Police, tumanggap sila ng ulat bandang 10 PM tungkol sa pamamaril malapit sa downtown.
Matapos ang insidente, ang suspek ay mabilis na tumakas sakay ng isang silver na sasakyan. Hanggang ngayon, hindi pa siya mahuli at patuloy ang paghahanap sa kanya.
Ayon sa mga medics, may 12 sugatan—mula sa minor injuries hanggang sa malubhang kondisyon.
Naglabas din ng pahayag si Mayor Olivia Chow sa social media. Sinabi niyang nalulungkot siya sa nangyari at nakikipag-ugnayan na sa pulisya. “Ang puso ko ay nasa mga biktima at kanilang pamilya,” dagdag niya.