
Mahigit 40 construction workers ang nailigtas matapos ma-trap sa mga metal container sa loob ng 36 oras dahil sa isang malakas na avalanche sa Himalayas, India.
Ayon sa Indian Army, nangyari ang insidente noong Biyernes matapos ang matinding pagbaha ng niyebe sa isang construction site sa Mana, Uttarakhand, na nasa 10,500 talampakan sa taas ng dagat.
46 katao ang ligtas, habang 8 ang kumpirmadong patay, ayon sa Indo-Tibetan Border Police.

Ang mga trabahador, karamihan ay mga migrant workers, ay nagtatrabaho sa paggawa ng kalsada sa malayong bahagi ng Himalayas. Dahil sa masamang panahon, pansamantala silang tumira sa mga metal container, na ayon sa awtoridad, naging susi sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay Lt. Col. Manish Srivastava, mas madaling hanapin ang mga container sa ilalim ng makapal na niyebe kaysa sa mga indibidwal na katawan.
Nagpapatuloy ang rescue operations habang sinisiyasat ang epekto ng climate change sa pagtaas ng bilang ng mga avalanche at landslide sa Himalayas.