Isang 49-anyos na siomai vendor ang binaril at napatay sa tanghaling tapat malapit lang sa Sto. Tomas police station at municipal hall sa Sto. Tomas, Davao del Norte.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Conderella Pansaon Basit, residente ng Purok 13, Feeder Road 4, Barangay Tibal-og. Naganap ang insidente bandang 1:30 PM noong Marso 6, 2025, sa Purok 10, Feeder Road 3.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagluluto si Basit sa kanyang siomai cart nang lapitan siya ng dalawang lalaking armado at biglang barilin sa ulo. Namatay siya agad dahil sa tama ng bala.
Ayon sa mga saksi, tumakas ang mga salarin sakay ng itim na Honda TMX motorcycle patungong Kapalong.
Nagpapatuloy ang paghahanap ng pulisya sa mga suspek habang inaalam pa ang posibleng motibo sa pagpatay.