Pinalawak ng Volkswagen ang kanilang electric vehicle lineup sa pamamagitan ng ID. EVERY1 concept, isang abot-kayang EV para sa European market. Inaasahang ilalabas ito sa 2027 na may panimulang presyo na €20,000 EUR (₱1,219,360 PHP) upang gawing mas accessible ang electric mobility.
Bahagi ito ng “Electric Urban Car Family” ng Volkswagen, kasama ang ID. 2all, na ilulunsad sa 2026 na may presyong mas mababa sa ₱1,251,504 PHP Parehong gumagamit ng modular electric drive (MEB) platform na may front-wheel drive para sa mas mahusay na performance at mas maluwag na interior. Ang ID. EVERY1 ay may haba na 3,880 mm, na mas malaki kaysa sa up! city car ngunit mas maliit sa Polo. Mayroon itong 4-seater na kapasidad at 305-litro na luggage space.
Pinapagana ng 70 kW (93 hp) electric motor, kaya nitong umabot sa 80 mph at may tinatayang 155-milyang range. Mayroon din itong advanced software architecture na nagbibigay-daan sa over-the-air updates para mapanatiling bago ang teknolohiya nito.
Ayon kay Volkswagen CEO Thomas Schäfer, ang ID. EVERY1 ang “huling piraso ng puzzle” sa kanilang plano na magbigay ng iba’t ibang EV models na akma sa pangangailangan ng bawat customer. Layunin nilang maging pinakamalaking volume manufacturer sa mundo pagdating sa EV technology pagsapit ng 2030.