Ang M4 MacBook Air ay mas mabilis, mas powerful, at may up to 18 hours ng battery life. Mayroon din itong 12MP Center Stage camera, 16GB unified memory, at gamit ang pinakabagong macOS Sequoia na may Apple Intelligence.
Sa M4 chip, ang bagong laptop ay may 10-core CPU, hanggang 10-core GPU, at suporta sa 32GB unified memory. Mas mabilis ito 2x kumpara sa M1 at 23x mas mabilis kaysa sa pinaka-powerful na Intel-based MacBook Air.
Dahil sa Apple Intelligence, puwede nang gumawa ng emojis gamit ang Genmoji, gamitin ang Writing Tools, at mas pinadaling Siri functions.
Ang bagong MacBook Air ay may mas mababang presyo, simula sa $999 USD (13-inch) at $1,199 USD (15-inch). Available na ito for pre-order!