
Ang 15-track album na ito ay isang mix ng pop, ballad, reggaeton, hip-hop, at R&B, na nagpapakita ng versatility ng BLACKPINK soloist. Kasama sa album ang collaborations with big artists tulad nina Dua Lipa, Doechii, Dominic Fike, FKJ, Childish Gambino, at Kali Uchis.
Mismo si JENNIE at top producers tulad nina Mike Will Made It, Dem Jointz, Diplo, El Guincho, at iba pa ang nagdala sa buhay ng world ng Ruby.
Kasabay ng album release, naglabas din siya ng music video para sa single niyang “like JENNIE” na directed ni HANBAGO (HAN GYEOL LEE). Panoorin dito: [Insert Link]
Ruby ang first-ever studio album ni JENNIE matapos ang kanyang hit singles na "Solo" at "You & Me." Patok agad ang kanyang bagong tracks, kung saan ang “Mantra” pumasok sa No. 8 sa Billboard Philippines’ Hot 100, habang ang “Love Hangover” feat. Dominic Fike at “ExtraL” feat. Doechii ay nasa No. 16 at No. 22.
Kasama ang fellow BLACKPINK members na sina LISA, JISOO, at ROSÉ, inaasahan ang kanilang major comeback at world tour sa US, Europe, at Asia sa ilalim ng YG Entertainment.