
Nag-viral na naman si Heart Aquino! Matapos ang kanyang kontrobersyal na sagot sa isang TV show, bumisita siya sa Comelec noong March 4 kasama si Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal.
Matapos ang kanyang tour, sinabi ni Heart na mas naintindihan na niya ang trabaho ng Comelec at hinihikayat niya ang kabataan na mas maging aware sa kahalagahan ng ahensyang ito.
Nang tanungin kung willing ba siyang maging Comelec ambassador, sagot ni Heart:
“It’s an opportunity din po, so yes po, willing naman po ako, and to inspire sa youth na rin po.”
Ngunit hindi lahat natuwa sa kanyang pahayag.
Netizens, Taas-Kilay sa Sagot ni Heart
Matatandaang nag-viral si Heart matapos mapansin ni Vice Ganda at iba pang hosts na hindi siya pamilyar sa Comelec. Dahil dito, marami ang nagtaka nang sabihin niyang gusto niyang maging ambassador ng ahensya.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:
- "Wag kame, 20 years old pero hindi alam ang Comelec? Tapos gusto maging ambassador?"
- "Gen Z, magbasa naman ng balita. Di lahat ng impormasyon nasa TikTok at IG."
- "Pwede naman pero sana may sapat na kaalaman bago magsalita."
Sa kabila ng mga negative comments, humiling si Heart na sana matigil na ang bashing at mas maintindihan ang kanyang sitwasyon.