Isang Chinese PhD student na si Zhenhao Zou, 28, ang napatunayang guilty sa pag gamit ng droga at panggagahasa ng 10 babae sa London at China mula 2019 hanggang 2023.
Gamit ang hidden camera, kinunan niya ang 9 na pag-atake bilang “souvenirs” at may trophy box pa ng mga gamit ng mga biktima. Sinabi ng pulisya na maaaring mahigit 50 iba pang babae ang naging biktima niya.
Si Zou, isang mechanical engineering student mula University College London, ay ginagamit ang WeChat at dating apps para makipagkaibigan sa mga kapwa Chinese students bago sila yayain uminom at bigyan ng droga.
Ayon sa hukom, isa siyang “mapanganib at mandarayang sexual offender” at maaaring makulong nang matagal. Hinihikayat ng pulisya ang ibang posibleng biktima na lumapit sa kanila.