
Labinlimang tao ang nasugatan, dalawa rito ang malubha, matapos aksidenteng mahulog ang mga bomba mula sa fighter jets sa isang residential area sa Pocheon, South Korea. Ayon sa Air Force at sa fire department, nasira ang ilang bahay at isang simbahan dahil sa insidente.

Ang Pocheon ay malapit sa border ng North Korea, isang mahigpit na binabantayang lugar. Ayon sa Air Force, walong 500-pound Mk82 bombs mula sa KF-16 jets ang lumagpas sa shooting range habang ginaganap ang isang military exercise.


"Humihingi kami ng paumanhin sa pinsalang dulot ng aksidente at nais naming gumaling agad ang mga nasaktan," ayon sa pahayag ng South Korean Air Force.