
Matapos ang halos 14 na taon, balik-Manila na ang The Black Eyed Peas para sa isang highly anticipated concert ngayong Agosto 27, 2025 sa SM Mall of Asia Arena.
Inorganisa ng Wilbros Live, ito ang magiging ikatlong beses na magtatanghal ang grupo sa bansa, kasunod ng kanilang The Beginning Massive Stadium Tour noong 2011.
Tickets magsisimula nang ibenta sa Marso 15, 2025, 12:00 PM (PHT) via SM Tickets. Wala pang anunsyo sa presyo, kaya abangan ang updates!
Ito rin ang unang beses na magtatanghal sila sa bansa bilang trio, matapos ang pag-alis ni Fergie noong 2018. Saktong 30th anniversary rin ng grupo ang taon na ito!
Mula noong 1995, naglabas na sila ng siyam na studio albums, kabilang ang Elevation (2022). Kilala sila sa mga hit songs tulad ng “I Gotta Feeling,” “Boom Boom Pow,” “My Humps,” at marami pang iba!