Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa Citigroup matapos nilang aksidenteng mag-credit ng $81 trillion sa isang account sa halip na $280.
Ayon sa ulat ng Financial Times, dalawang empleyado ng bangko ang hindi agad nakapansin ng error. Mabuti na lang at napansin ito ng pangatlong empleyado 90 minuto matapos itong ma-post.
Sinabi ng Citigroup na ang maling transaksyon ay agad nilang na-reverse, kaya walang pera ang lumabas mula sa bangko.
Ayon sa ulat, nangyari ang error dahil sa manual na pagpasok ng payment sa system na may naka-default na 15 zeros, na naging sanhi ng napakalaking halaga.
Noong Hulyo 2024, pinatawan ng $136 million fine ang Citigroup ng Federal Reserve at Office of Comptroller of the Currency dahil sa mga pagkukulang sa risk management. Noong Oktubre 2020, nagmulta rin ito ng $400 million dahil sa iba pang sistema at kontrol na problema.