Kamakailan, natagpuan ang kanilang mga bangkay sa isang abandonadong sasakyan sa highway sa pagitan ng Puebla at Oaxaca.
Ayon sa pulisya, may tama ng bala at bakas ng pagpapahirap ang mga biktima. Sa lugar, may nakita ring isang bag na may 8 pares ng putol na kamay. Ang mga estudyante, edad 19 hanggang 30, ay mula sa Tlaxcala at nawala noong Pebrero 27 matapos pumunta sa Oaxaca para magbakasyon.
Kilala na ang 8 sa kanila: Angie Lizeth, Leslie, Brenda Mariel, Jacqueline Ailet, Noemi Yamileth, Raul Emmanuel, Ruben Antonio, at Rolando Armando. Hindi pa tukoy ang ika-9 na biktima.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso at may hawak na silang lead pero hindi pa ito isiniwalat sa publiko.