Isang ina sa Taiwan ang nagpatakbo ng aircon nang 24/7 sa loob ng anim na taon upang mapanatili ang bangkay ng kanyang anak sa kanilang bahay. Ayon sa Sinchew Daily News, si Lee, isang 53-anyos na babae, ay namatay anim na taon na ang nakalipas sa Ruifang District, New Taipei City, Taiwan. Dahil sa kahilingan nitong ilibing matapos ang 7 taon, ang kanyang 75-anyos na ina ay nagpatuloy sa pagpapanatili ng katawan nito sa pamamagitan ng nonstop na air conditioning.
Nadiskubre ito matapos makatanggap ng ulat ang isang social worker tungkol sa sitwasyon. Dahil sa hirap ng buhay, hindi na kaya ng ina bayaran ang kuryente, kaya inamin niya ang ginagawa niya sa loob ng maraming taon. Ayon sa ulat, bihira raw makipag-usap ang matanda sa kanyang mga kapitbahay, at inakala ng karamihan na mag-isa siyang nakatira sa isang apartment unit sa ikatlong palapag ng isang limang-palapag na gusali. Si Xie Yongchang, pinuno ng komunidad, ay nagtangkang bumisita sa matanda ngunit nadiskubreng wala itong doorbell.