
Iniimbestigahan ngayon ng Songpa Police Station sa South Korea ang isang Japanese fan na hinalikan si BTS member Jin nang walang pahintulot.
Nangyari ang insidente noong June 13, 2024, isang araw matapos siyang ma-discharge mula sa kanyang mandatory military service na sinimulan noong December 2022.

Dahil si Jin ang unang miyembro ng BTS na natapos ang serbisyo, nagkaroon siya ng fan meeting bilang bahagi ng BTS FESTA, isang taunang selebrasyon ng debut anniversary ng grupo.
Ang event ay ginanap sa Jamsil Arena sa Jamsil Sports Complex, Songpa-gu, Seoul, kung saan isang libong lucky fans ang nakilahok para makita at mahagkan si Jin.
Ang Paghalik ng Fan
Sa mga video na kumalat, makikitang habang yakap ni Jin ang fan, bigla siyang hinalikan nito sa leeg. Kitang-kita rin ang reaksyon ni Jin—nagulat at mukhang hindi komportable sa nangyari.