Taiwanese actor Darren Wang, na kilala sa rom-com na Our Times, ay kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa umano’y attempted murder matapos bumalik sa Taiwan mula sa isang biyahe.
Ayon sa reports, nag-book si Darren ng car ride pagdating niya sa Taiwan Taoyuan Airport. Pero nagalit daw siya dahil hindi siya satisfied sa sasakyan, kaya inatake umano niya ang driver at dispatcher.
Base sa ulat ng TVBS, dinala na si Darren at ang isang kasama niyang lalaki, na may apelyidong You, sa mga awtoridad para sa imbestigasyon. Pero wala pang malinaw na detalye tungkol sa kaso.

Sa gitna ng issue, naglabas ng maikling statement ang manager ni Darren: "Sinusubukan pa naming alamin ang sitwasyon. Salamat."
Bago ito, nahuli na rin si Darren ng Taiwanese authorities dahil sa umano’y pag-iwas sa military service. Nakatakda siyang mag-enlist sa March 13. Ayon sa reports, inaresto siya noong February 18 pero nakalaya rin matapos magpiyansa ng halos NT$150,000 (PhP260,000) sa parehong araw. May alegasyon ding nagbayad siya ng NT$1 million (PhP1.7 million) para sa pekeng medical documents na nagsasabing may heart condition siya para makaiwas sa military service.