Ayon sa The Korea Times, ang Seoul Central District Prosecutors' Office’s Women and Children’s Crime Investigation Division 1 ay nag-file ng kaso laban sa 30-year-old K-pop idol kasama ang dalawa pang kasabwat.
Nagsimula ito nang Seoul Bangbae Police Station makatanggap ng report noong June 2024. Nag-apply sila ng arrest warrant pero na-deny ito ng korte dahil "inamin na nila ang crime kaya hindi na kailangan ng detention."
Noong August, pinatawag si Taeil ng authorities para sa questioning. Pero hindi siya sumipot dahil sa health problems. Nag-submit ang legal team niya ng medical documents at statement ng lawyer niya.
Ayon sa reports, sinabi ng mga suspects na hindi nila plano ang nangyari.
Si Taeil, na may tunay na pangalan na Moon Tae-il, ay nag-debut sa NCT noong April 2016 at naging bahagi ng NCT U at NCT 127. Pero nag-hiatus siya noong August 2023 matapos ang isang motorcycle accident.
Noong August 28, 2024, umalis siya sa grupo matapos masangkot sa isang "criminal case na related sa sexual crime." Sinabi ng agency niya na seryoso ang issue kaya napagdesisyunan nilang tanggalin siya sa NCT.
"Na-confirm namin na si Taeil ay implicated sa isang criminal case related sa sexual crimes," ayon sa statement na isinalin ng Koreaboo.
"Habang iniimbestigahan namin ang situation, nakita naming sobrang serious ng issue kaya hindi na siya pwedeng magpatuloy sa group activities. Napag-usapan namin ito with Taeil at napagdesisyunan na aalis siya sa grupo."
Ang NCT ay may 26 members at may limang sub-units. Kasama si Taeil sa NCT 127 at NCT U, na sumikat sa mga kantang Cherry Bomb, Kick It, Regular, 2 Baddies, Baggy Jeans, Make A Wish, at BOSS.