Direktor na si George Miller, na muling nagpasiklab sa Mad Max franchise, ay nagpahiwatig na posibleng may bagong sequel na paparating.
Sa isang panayam sa Vulture, sinabi ni Miller na may isa pang Mad Max story na handa nang isapelikula. Matatandaang ni-reboot niya ang franchise noong 2015 sa Mad Max: Fury Road at nitong nakaraang taon, inilabas ang Furiosa: A Mad Max Saga na pinagbidahan nina Anya Taylor-Joy at Chris Hemsworth. Ayon kay Miller, kung mag-align ang mga plano, maaaring matuloy ang bagong proyekto. “May isa pang script kami, hindi lang sa isip ko kundi nakasulat na. Talagang marami akong ideya,” aniya.
Pagdating sa direksyon ng franchise, ibinahagi ni Miller na marami pang kwento ang puwedeng ikwento tungkol kay Mad Max. “Hindi ito ang susunod kong gagawin, pero kung mag-align ang mga plano, hindi natin masasabi. Minsan may pelikulang handa nang gawin, pero may mga bagay na hindi natutuloy,” dagdag niya.
Sa Fury Road, ginampanan ni Tom Hardy ang papel ng Mad Max na tumulong kay Imperator Furiosa (Charlize Theron) sa pagtakas mula sa paniniil ni Immortan Joe. Kasama rin sa pelikula sina Nicholas Hoult, Riley Keough, Zoë Kravitz, at Courtney Eaton. Samantala, sa Furiosa: A Mad Max Saga, si Anya Taylor-Joy naman ang gumanap sa papel ni Furiosa.
Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon tungkol sa bagong Mad Max sequel.