
Mahilig ka ba sa Japanese food? Kung oo, siguradong paborito mo rin ang donburi—steamed rice na may masarap na toppings gaya ng karne, seafood, at gulay. Isa sa pinakasikat na donburi spots ay Yoshinoya, lalo na ang kanilang famous Gyudon. Ngayong weekend, may Buy One, Take One promo sila sa kanilang Gyudon bowl (regular serving) na P219 lang!
Ang Gyudon bowl ng Yoshinoya ay gawa sa maninipis na beef strips na dahan-dahang pinakuluan sa kanilang signature Gyudon sauce na may halong soy sauce at mirin, tapos iseserve ito sa mainit at malambot na white rice. Pwede kang mag-avail for dine-in, takeout, at delivery via GrabFood, foodpanda, at Yoshinoya website. Pero bilisan mo, dahil hanggang March 2 lang ito!
Kung mahilig ka sa Japanese food, may bago ka pang dapat subukan—ang Warabimochi Kamakura! Available na ito sa Manila, at puwede mong matikman ang chewy warabimochi sa Kinako at Matcha flavors. Swak ito sa homemade kuromitsu (black sugar syrup) mula sa Okinawa Prefecture para sa rich at deep flavor.