Nakaranas ng matinding takot ang aktres at dating BLACKPINK member na si Lisa matapos pasukin ng isang fan ang kanyang bahay. Simula nang mangyari ito, inamin niyang natatakot na siyang mag-isa at pakiramdam niya ay hindi siya ligtas.
Sa isang interview, sinabi ni Lisa na okay lang sa kanya kung may fans na sumasalubong sa airport. Sa katunayan, nagpapasalamat pa siya sa oras at effort nila. Pero isang gabi, habang mag-isa siya sa bahay, isang obsessed fan ang biglang pumasok. Kahit na kinabahan siya, pinilit niyang kumalma at sinabi sa fan na pwede naman silang magkita sa pampublikong lugar. Pero kahit na wala siyang sinabing masama, nagdulot pa rin ito ng matinding epekto sa kanya.
Dahil sa takot, umabot sa punto na hindi siya makapag-isa at kailangan ng kasama, lalo na ang kanyang female agent.
Hindi lang iyon, minsan nang pumunta si Lisa sa dance practice nang hindi nasundo ng kanyang agent, kaya nag-taxi na lang siya. Pero habang papasok sa sasakyan, isang fan ang biglang sumingit, siniksik ang paa sa pinto, at pilit na umupo sa tabi niya.
Nang malaman ito ng mga netizens, marami ang nalungkot at nagalit sa ginawa ng mga fans. Maraming nagkomento ng, "Hindi na ito pagiging fan, lumalabag na ito sa batas!" at "Dapat bigyan siya ng mas mahigpit na security!"