
Libreng sakay at gupit sa mga pasaherong babae ngayong Marso bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Ayon sa Philippine Commission on Women (PCW), lahat ng LRT-2 stations ay mag-aalok ng libreng sakay sa mga babaeng pasahero sa Sabado, Marso 8, sa mga peak hours:
- 7 AM - 9 AM
- 5 PM - 9 PM
Para makuha ang libreng ticket, pumunta lang sa ticket booth.
Bukod dito, may libreng gupit din para sa unang 30 babaeng pasahero sa mga sumusunod na araw at lugar:
- Marso 12 - Antipolo Station
- Marso 19 at 26 - Cubao Station
Magbibigay rin ng libreng rosas sa mga kababaihan sa Antipolo Station sa concourse level sa Marso 5.
Ang mga libreng serbisyo na ito ay bahagi ng "Serbisyo para kay Juana 2025" ng PCW para sa Women's Month. May iba pang espesyal na alok tulad ng:
- Libreng civil registration documents para sa unang 100 babaeng magtutungo sa Philippine Statistics Authority (PSA) CRS outlets sa Marso 3, 10, 17, at 24.
- Libreng entrance para sa mga babaeng bisita sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Marso 8.
I-save ang mga petsa at ipaalam sa iba para sama-samang ipagdiwang ang Women's Month.