Sa direksyon ni Gareth Evans, ginagampanan ni Hardy ang papel ng isang detective na lumalaban sa madilim at delikadong mundo ng lungsod. Kasama niya sa pelikula sina Jessie Mei Li, Justin Cornwell, Quelin Sepulveda, Luis Guzmán, Michelle Waterson, Sunny Pang, Jim Caesar, Xelia Mendes-Jones, Yeo Yann Yann, Timothy Olyphant, at Forest Whitaker.
Ayon sa official synopsis, si Walker (Tom Hardy) ay isang detective na bugbog sa laban sa criminal underworld na gustong sakupin ang buong lungsod. Matapos magka-windang-windang ang isang drug deal, si Walker ay hinahabol ng iba’t ibang grupo—isang crime syndicate na uhaw sa ganti, isang tiwaling pulitiko, at mismong mga kapwa niyang pulis. Habang sinasagip niya ang anak ng pulitiko na nalagay sa gulo dahil sa drug deal, unti-unting nabubunyag ang mas malalim na korapsyon at conspiracy. Dahil dito, napipilitan siyang harapin ang madilim na bahagi ng kanyang nakaraan.
Bigatin ang duo na bumuo ng pelikula—si Hardy, na kilala sa mga action roles niya sa Legend, Lawless, at Venom movies, at si Evans, ang utak sa likod ng cult-favorite action films na The Raid series at Gangs of London.
Panoorin ang official teaser sa itaas. Havoc premieres sa April 25 sa Netflix!